COPYRIGHT

Social Sciences 180 [Epistemological Issues of the Social Sciences] section JF, 1st semester AY 2007-2008, under Prof. Narcisa Paredes-Canilao. University of the Philippines Baguio.

All electronic works posted here are copyright properties of their respective authors. Permission is granted for electronic copying and distribution in print form for educational purposes and personal use, granted that the author/s and the website are properly cited.

Proper citation must include the following:
Title of the Paper
Author/s
Website: http://www.ss180-jf.blogspot.com/
Date of Access
(c) SS180-JF, July 2007


APA Format:
(Author/s, Last name/s first). (year of publication; in this case, 2007). (Title of article). In (name of website, italicized; in this case, Decolonizing Knowledge, Decolonizing the Social Sciences). (Publication information; here, place: University of the Philippines Baguio: Social Sciences 180-JF AY 07-08). (web address; here, http://www.ss180-jf.blogspot.com/).
(Date of access).

Friday, August 3, 2007

Mary Rose S. Abis, Hazel E. Pastor, and Michelle Renee C. Laggui:

DECOLONIZING KNOWLEDGE, DECOLONIZING THE SOCIAL SCIENCES: ISSUES, CONCERNS, AND RECOMMENDATIONS


Ang impluwensya ng kanluran sa Political Science sa atin ay hindi matatakasan. Ang mga polisiya at prinsipyo na mula sa kanluran ay endorso at sinusundan ng ating gobyerno na siyang naglalayong hubugin ang ating buhay sa araw araw. Ang ating mga ugali , paniniwala, karera sa buhay, kalayaan at mga responsibilidad ay bunga mula sa kanluran. Kung mapapansin natin ang kasaysayan ng Political Science ay ugat mula kina Plato at Aristotle, particular sa mga gawa nila Homer, Xenophon at iba pa. Ang pagaaral nito ay base sa kanluran sa pamamagitan ng pagaanalisa mula sa literatura at kasaysayan at gamit ang pamamaraan ng pagtalakay na maiintindihan patungo sa pilosopiya. Tayo ay naimpluwensiyahan sa pamamagitan ng pagsulong sa kahalagahan ng edukayson sa mga mga tao at maging sa ating mga lider, sa pagsapi sa mga debate hinggil sa isyu sa politika, at paghikayat sa pagtingin mula sa ibat ibang perspektibo. Ang pagsulong sa kalidad at mataas na edukasyon lalong lalo na sa mag “undergraduate students” ay isinusulong ng kanluranin (Searle,1994:242) Ang Political Science 11 ay isa sa mga kurso na hinahain ng ating unibersidad kung saan tinatalakay dito ang kasaysayan at kinukumpara ang kanluraning teorya mula sa di kanluraning teorya ngunit mapapansin ang pagkabias sa kanluran. Ang pagaganit ng mga “foreign textbooks” ay isa lamang sa negatibong epekto ng kanluran sa atin (Altbach,1971:452), pati ang paggamit ng mga “foreign models” sa Political Scinece ay sanhi din nito (Altbach,1971:453). Sa iba pang “sub-fields” ng Political Science, ang pag-aaral ay nagkakaroon ng importansya sa issue sa kanluran sa nakaraan at sa hinaharap . Pati ang pagiging bukas sa pag-aaral nang ating sariling kultura ay impluwensya ng kanluranin (Bishop,1990:75). “Unconciously” tayong nahahain sa pagpromote nito ng pagaaral ng kultura, kasaysayan, mga isyu sa nasyonalismo, at proseso sa pagresulba ng gulo at pagaayos. “Ang kalagayan ng siyensiyang panlipunan sa Pilipinas ngayon ay salamin ng umiiral na panlipunang kaayusan. Kaayusan nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang piling uri na patuloy na pinalalakas ng mga banyagang koroporasyon” (David,1970:96) , talagang tanggap na ng lipunan natin ang impluwensya ng kanluran dahil din naman tayo ay nakikinabang dito lalo na sa ating ekonomiya.


Sa Pilipinas, ang burukrasya na sinasabing “rule of the modern office” ay hango sa ideya ng mga Western. Ito ay ipinakilala ni Max Weber na tinanggap naman ng mga Pilipino. Kung kaya’t, ang strukturang pang-administrasyon sa Pilipinas ay sumasalamin sa kaalaman na ipinalaganap ng mga Western. Patunay ito na walang sariling identidad ang mga Pilipino. Ayon kay Weber, ang pagkakaroon ng posisyon sa burukrasya ay isang bukasyon—kinakailangang mayroong “technical know how” ang taong nanunungkulan. Isinasaad dito na mahalaga ang pagsasanay para sa ikakaunlad ng abilidad ng tao sa nasabing larangan.

Subalit, kapag sa tingin ng mga Pilipino na mayroon sila ng mga kuwalipikasyong kailangan sa burukrasya, sila ay magpupursiging maupo sa posisyon kahit na batid nila na hindi sila nararapat kung mayroon silang kamag-anak na nagtratrabaho rin sa parehong ahensiya. Isa sa mga rason sa ganitong pag-uugali ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng malalim na pagsunod/pagsasanay sa kulturang kinagisnan ng mga ito kagaya ng konsepto ng “pakikisama”, “utang-na-loob”, at “family-oriented attitude”. Halimbawa, kung mayroong bakanteng posisyon sa isang ahensiya, sino ang unang tutulungan ng mga namumuno dito, hindi ba’t ang kanila ring mga kamag-anak o malalapit na kaibigan? Ang konsepto ng “utang-na-loob” ay isa ring factor sa pagkakaroon ng hindi epektibong pamumuno. Makikita ito sa pagkiling o pagtulong sa taong pinagkakautangan ng loob para makabayad sa utang dito. Ang ganitong mga pag-uugali ng mga Pilipino ay nareresulta lamang sa pagkakaroon ng tinatawag na “bureau pathology”- korupsyon o kabulukan sa isang burukrasya. Ngunit, sino nga ba ang nagbigay ng ideya sa mga Pilipino na ang kanilang mga nakasanayang gawin ay pawang mga uri ng lamang ng korupsyon? Hindi ba’t mga Westerns din?

Isa sa mga maaaring solusyon sa ganitong suliranin, ang hindi pag-aayon ng kulturang Pilipino sa “Western knowledge”, ay ang pagtatatag ng bagong system ng gobyerno. Ito ang tinawag namin na “Democratic-Authoritarian Government”. Dito, magkakaroon ng “balance of power”- hindi lang boses ng mga tao ang mangingibabaw kung hindi mayroon ding isang mamumuno na may kakayahang i-regulate ang mga tao. Sa ganitong sistema, maaaring maging epektibo ang gobyerno. Ngunit, ito ay isa na naming patunay na naghahari ang Western ideas sa bansa sapagkat ang ideya ng demokrasya at authoritarianism ay pawang mga Western din. Kung gayon, ang pagbalik sa sinaunang sistema ng gobyerno at paggamit ng “Asian perspectives” ang siyang mas magiging epektibo para sa pagkaroon ng magandang gobyerno.

Ang pamumuno ng rajah at sultan sa isang kumunidad ay dapat nakabase sa tinatawag na “divine rights of the king”. Sila ay sinasabing sugo ng diyos( ang sinumang nakatataas) kung mamumuno sila ng naaayon sa ikabubuti ng lahat. Sa kabilang banda, susundin ng mga tao ang anumang batas na ipinatupad ng kanilang pinuno dahil sa paniniwalang ito ang ninanais ng diyos na kanilang gawin.Sa ganitong sistema, tiyak na magkakaroon ng kaayusan sa loob ng kumunidad.

Bilang karagdagan, ang mga tao o ang gobyerno mismo ay dapat gabayan ng “8 Fold Paths”ng Budhismo. Ang pagkakaroon ng tamang pang-unawa, pag-iisip, pananalita, kilos, pamumuhay, pagpupursigi, “mindfulness” at konsentrasyon ang magpapatnubay para sa maayos na lipunan. Kinakailangan din na ang namumuno sa gobyerno ay ang taong may tinatawag na “virtue” katulad ng isinasaad sa “Confucian Analects”. Ang ganitong mga ideya ay buhat sa “Buddhism” ng India at “Confucianism” ng China na pawang mga bansa sa Asya. Mahalagang ibase sa mga ito ang sistemang pang-administrasyon ng Pilipinas sapagkat mas nabibigyang diin ang interaksyon ng mga bansang nabibilang sa iisang rehiyon at maiiwasan ang paggamit ng Western values na ibang-iba sa kulturang Asyano. Panghuli, para hindi na nakadepende ang konstitusyon ng Pilipinas sa Western ideas, kinakailangang magkaroon ng mga batas na gawa mismo ng pinuno. Subalit ito ay dapat na sang-ayon sa idinidikta ng kanilang diyos na para naman sa kabutihan ng lahat.

Ang edukasyon ay instrumento ng “neo-colonialism”. Hindi lamang sa Social Sciences at Natural Sciences ang mga patunay na laganap ang paggamit ng Western ideas, kung hindi pati na rin sa Arts and Communication, gaya ng paggamit ng lenggwahe. Hindi namin minamasama ang Ingles bilang dominanateng lenggawahe ngunit kailangan rin nating pahalagahan ang sariling atin, ang wikang Filipino.-

No comments: