COPYRIGHT

Social Sciences 180 [Epistemological Issues of the Social Sciences] section JF, 1st semester AY 2007-2008, under Prof. Narcisa Paredes-Canilao. University of the Philippines Baguio.

All electronic works posted here are copyright properties of their respective authors. Permission is granted for electronic copying and distribution in print form for educational purposes and personal use, granted that the author/s and the website are properly cited.

Proper citation must include the following:
Title of the Paper
Author/s
Website: http://www.ss180-jf.blogspot.com/
Date of Access
(c) SS180-JF, July 2007


APA Format:
(Author/s, Last name/s first). (year of publication; in this case, 2007). (Title of article). In (name of website, italicized; in this case, Decolonizing Knowledge, Decolonizing the Social Sciences). (Publication information; here, place: University of the Philippines Baguio: Social Sciences 180-JF AY 07-08). (web address; here, http://www.ss180-jf.blogspot.com/).
(Date of access).

Tuesday, August 7, 2007

Juvy Lyn Cuaresma, Kaye Frances Marzo, and Christine Joy Umali:

Tema: Pagdekolonisa ng Kaalaman: Pagdekolonisa ng mga Usapin Ukol sa Agham Panlipunan

Diskurso sa Sikolohiyang Pilipino
(Behavioral Psychology)


>>>>>Nagdulot ng pagkamulat sa kulturang dayuhan ang pagsakop ng mga kolonisador sa Pilipinas. Higit pa rito ang impluwensiya sa kaisipan at pag-uugali ng bawat mamamayan na siya ring nagpasa ng kamalayan sa mga sumusunod na henerasyon. Ang edukasyong Pilipino ay nababatay sa edukasyon ng mga dayuhan lalo na ng mga Amerikano na siya ring nagpakilala ng pormal na edukasyon. Hanggang ngayon, sila pa rin ang namamayani sa bawat asignaturang ibinabahagi sa kalakhang populasyon ng mga mag-aaral at modelo ng mga tagapagturo sa mga paaralan. Sila pa rin ang batayan ng paraan ng pagtuturo sa ating bansa. Halimbawa nito ay ang pagkagapos ng kamalayang Pilipino lalo na sa Agham Panlipunan na dapat ay nakatutok sa pag-unlad ng sariling bansa at pagkilatis sa mga isyung panloob.
>>>>>Ang Sikolohiyang Pilipino, partikular sa larangan ng behavioral psychology kung saan mas pinagtuunan ng pansin ang mga Kanluraning ideya sa pag-aaral ay nababalot ng diskurso. Lingid sa kaalaman ng karamihan, mayroon tayong sariling sikolohiya na nababatay sa ating kultura na nararapat din lamang na lapatan ng sarili nating punto de bista. Dahil hindi natin ito napagtutuunan ng pansin mas pinalalawig natin ang ideolohiya at kaugalian ng taga-Kanluran. Ang mga ito ay naghuhubog sa mga henerasyon ngayon kung kaya’t unti-unting napapalitan ang kuturang Pilipino. Nakikita natin ang mga ito sa akademiya na kung saan kaunti lamang ang mga reperensiya na galing sa ating bansa at kung mayroon man, marami sa mga paaralan ang mas pumipili sa ideolohiyang galing sa Kanluran. Ito ang dahilan kung bakit wala sa kamalayan ng karamihan ang tahimik na pagkolonisa ng mga naghaharing-uri at naipasa na nila sa atin ang kanilang kultura na kung saan naging batayan na ito ng pagiging perpekto. Ang mga kaugaliang ito, gaya ng rasyonalisasyon, objectism, kapangyarihan at kontrol ay nagsasabi ng pagiging universal, hard, algorithmic at pagiging malakas ang dating. Subalit ang pagiging universal naman nito ay nagdudulot pa rin ng hindi pantay na pagtingin at nababalot ng pulitikal na usapin sapagkat ito ay mismong ugali nila. Ang edukasyon bilang isa sa pangangailangan ng bawat isa ay naging arena ng mas malawakang tunggalian ng kultura. Ang Sikolohiyang Pilipino bilang halimbawa ng isang disiplina ng Agham Panlipunan ay napapalooban pa rin ng Kanluraning teorya. Sa kadahilanan na ang nagsimula ng nasabing disiplina ay mga taga-Kanluran, nililimita naman natin ang sarili nating mga karanasan at kultura sa paghubog at pagpapaunlad ng nasabing disiplina. Halimbawa, hindi natin maaaring gamitin ang teorya ni Freud at iba pa sa pag-interpreta ng mga pag-uugali o analisis sa ating mga nakagawian. Datapwat, may mga pagkukulang ang ibang mga teoryang Kanluranin, patuloy pa rin natin silang tinatangkilik at ginagamit sa ating mga ginagawang pag-aaral. May mga kaugalian tayong naisasantabi dahil sa paggamit natin ng mga teoryang ito na hindi naman lahat angkop sa ating kultura. Nababalewala sa pag-aaral ng mga taga-Kanluran ang panloob na etika ng bawat bansa sapagkat ang kaugalian ng isang indibidwal ay nabubuo sa mismong etika o paniniwala na kinalalakhan nito.

Rekomendasyon:

>>>>> Ang pagkagapos ng mga disiplina sa Agham Panlipunan ay dapat na pagtuunang pansin ng mga nasa akademiya sapagkat ito ang huhubog ng kaisipan o kamalayan ng mga susunod na henerasyon. Bukod pa rito, ay ang pagkalimot sa sariling kultura at dapat na basehan ng tama o mali.
>>>>> Una, kinakailangan kahit paunti-unti ay mabura ang pagdepende sa ideolohiyang kanilang ipinapakilala lalo na kung ito ay hindi naman naaayon sa ating paniniwala at kultura. Sapagkat ang patuloy na pagtangkilik nito ay nagdudulot ng hindi pantay na katarungan sa indibidwal na kinikilatis.
>>>>> Pangalawa, kinakailangang ituon ang mga pag-aaral sa bansa at hindi sa bansa ng mga dayuhan at bigyan ng angkop na pagsusuri ang etika ng bawat rehiyon o di kaya’y maaaring ibase ang karakter ng isang indibidwal sa grupo na kanyang kinabibilangan.
>>>>> Pangatlo, dapat naaayon sa ating kasaysayan ang mga pagsusuring ginagawa at hindi sa karanasan ng ibang bansa hinggil dito. Maari din na ihalintulad subalit, hindi sa pamamaraang maging batayan na ng pag-aaral ang mga teoryang kanilang inihahatid. Maari naman tayong gumawa ng pag-aaral na ang pamantayan ay ang sarili nating ideolohiya. Hindi dapat tayo magpalinlang sa mga opinyon galing sa labas.
>>>>> Nararapat rin na mas gamitin natin ang sariling wika sa pagtuturo nito. Ang paggamit natin sa sariling wika kasi ay nagbibigay kahulugan sa mga interpretasyon na lalabas sa ating kaugalian dahil mas nararamdaman natin ito.
>>>>> Kung ating pagtuunan ng pansin ang mga ito pwede tayong makipagsabayan sa mga Kanluraning ideolohiya. Maaari rin natin pairalin ang coo-petition upang malabanan ang naghaharing gahum na bumabalot sa ating bansa. Ang coo-petition na ito ay ang pakikisama at pakikipaglaban. Malaki ang bahagi na ginagampanan ng mga bansa sa buong mundo at sa panahon ngayon ay mahirap humiwalay sa daloy ng edukasyon. Bawat taon ay patuloy ang paglago ng sector na ito. Ito rin ay naging mas mahalaga na sa mga buhay lalo na ng kabataan.
>>>>>Sa sitwasyon na mayroon ang ating bansa, na paruot-parito ang dloy ng mga impormasyon at balita, nahahalina ang mga kabataan sa mga prinsipyo na pinamamalas ng mga taga-Kanluran kung kaya’t mas binibigyang pansin nila ang edukasyon na galing sa labas kaysa sariling mga manunulat o mga modelo sa sektor ng edukasyon.
>>>>> Ang pagbibigay pansin na rin ng pamahalaan para sa pagpapabuti at pag-unlad ng disiplinang ito ay makakatulong sa pagsulong ng Agham Panlipunan at makilala na rin sa ating bansa ang Sikolohiyang Pilipino at mga taong nasa likod nito na siyang nagbibigay halaga sa kulturang Pilipino.
>>>>> Subalit hindi maikakaila ang paggamit pa rin ng mga ito sa teorya na galing Kanluran, maaari naman nating bigyang halaga ang sarili nating kultura habang sa paggamit ng kanilang ideolohiya upang mapalago ang sa Sikolohiyang Pilipino ngunit kinakailangan rin na hindi ito nababatay sa kanilang ideolohiya.
>>>>> Hanggat hindi pa huli ang lahat, may oras pa para umunlad sa sariling bansa, sa sariling kultura. Ang mga disiplina sa Agham Panlipunan ay kinakailangang lapatan ng makabayang pananaw upang magkaroon ng kabuluhan ang sarili nating mga pag-aaral.
BIBLIYOGRAPIYA

Constantino, Renato. Ang Lisyang Edukasyong Pilipino.

No comments: